Inihain ng binansagang Duterte Bloc sa Kamara ang House Resolution No. 885.
Layunin nitong hilingin sa tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyan ang Kamara ng kopya ng accomplishment reports ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.






















