Panibagong insidente ng hazing ang nadiskubre sa Philippine National Police Academy ilang linggo matapos ang hazing sa 22 kadete noong April 3.
Sa pinakabagong ulat, dalawa pang kadete ang naging biktima sa hazing na naganap naman noong April 19.
Dahil dito, inalis na sa akademya ang 7 sangkot sa unang insidente habang iniimbestigahan ang panibagong kaso.






















