Tinanggal ngayong araw ang 4 na regional directors ng Department of Public Works and Highways.
Ayon kay Secretary Vince Dizon, kasama rin sa inalis sa pwesto ang 2 assistant regional director at ilang district engineers dahil sa iba’t ibang dahilan na hindi na niya idinetalye.






















