Nagbabala ang United Nations World Food Programme o WFP na posibleng umabot sa record level ang kagutuman sa buong mundo kung magpapatuloy ang digmaan sa Iran hanggang Hunyo ngayong taon.
Ayon sa ahensya, maaaring madagdagan ng nasa 45 milyon ang mga taong makakaranas ng matinding kagutuman dahil sa pagtaas ng presyo ng pagkain, langis, at transportasyon.






















