Magtatayo ang Department of Transportation ng karagdagang mga istasyon ng EDSA Busway sa susunod na taon.
Ilalagay ang mga ito sa mga strategic na lugar na may mataas na bilang ng pasahero.
Samantala, simula bukas ay ipatutupad ng tatlong train management ang mas maikling oras ng biyahe ng tren bilang paghahanda sa pagpapalit ng taon.






















