Nakinabang sa roll-out ng Benteng Bigas Meron Na Program sa ilalim ng Kadiwa ng Pangulo ang nasa 2,000 residente mula sa iba't ibang barangay ng Sta. Rosa, Nueva Ecija.
Layunin ng proyekto na makapagbigay ng abot-kayang bigas sa mga kwalipikadong benepisyaryo habang pinapalakas ang suporta para sa mga magsasaka sa bansa.




















