Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isa na namang Pilipina ang nasawi sa isang missile attack na tumama sa Haifa, Israel noong Linggo, April 5.
Ayon sa DFA, nasawi ang biktima kasama ang kanyang asawang Israeli at mga biyenan nang tamaan ng missile ang kanilang bahay.






















