Halos 200 Pilipinong biktima ng human trafficking sa Cambodia ang naka-uwi na sa bansa ngayong araw.
Patuloy namang iniimbestigahan ng Department of Justice, katuwang ang ilang law enforcement agencies, ang umano’y mga kasabwat sa human trafficking activities sa Cambodia, kung saan naipapadala ang ilang Pilipino at kalaunan ay napipilitang magtrabaho sa mga scam hub.






















