Inalis sa pwesto ang 16 na pulis kasama ang kanilang hepe sa Dolores Municipal Police Station sa Samar matapos mag-viral ang larawan ng mga ito na umiinom ng alak sa loob mismo ng istasyon ng pulisya.
Bukod sa mga pulis at hepe nila, kasama sa papatawan ng penalty ang isang non uniformed personnel o NUP na kasama nila.






















