Iginiit ni Senator Risa Hontiveros na nananatiling buo at solid ang 11 miyembro ng Minority bloc sa gitna ng usapin tungkol sa posibleng pagpapalit ng liderato sa Senado.
Kasabay nito, sinabi rin ng senador na walang pakikialam ang Malacañang sa isyu ng Senate leadership.
Lumutang din ang mga usapin kaugnay sa posibleng pagbabago sa rules ng Senado upang payagan ang online voting.






















