Ipagpapatuloy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng ayuda sa transport drivers matapos ang long holiday break, kabilang ang nasa 100,000 TNVS at motorcycle taxi drivers na may temporary permit.
Ayon sa ahensya, prayoridad ding mabigyan ang mga driver na hindi pa nakatanggap ng cash assistance sa mga naunang payout, bilang bahagi ng pagpapalawak ng programa sa mas maraming benepisyaryo.






















