
Ipatutupad na simula bukas ang mas mataas na singil sa terminal fee sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Ito ang unang beses na muling magtataas ng singil sa terminal fee ang NAIA makalipas ang 20 taon.

Sinuspinde na ng Land Transportation Office ang lisensya sa pagmamaneho ng driver na gumamit ng kaniyang kaliwang paa sa pag-manibela.

Kinumpirma kahapon ni Department of Justice Sec. Crispin Remulla na pinawalang bisa na ng Office of the Ombudsman ang reklamo sa kaniya hinggil sa naging pag-aresto at pag-turn over sa International Criminal Court kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang reklamo na inihain laban sa kaniya ni Sen. Imee Marcos.

Hinamon ng Makabayan lawmakers si Vice President Sara Duterte na isantabi ang parliamentary courtesy sa gagawing budget briefing ng House Committee on Appropriations sa September 16.
Inaasahang haharap sa pagdinig ang bise presidente.

Itutuloy pa rin ng Senado ang isinasagawa nitong imbestigasyon kaugnay sa isyu ng maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Senate President Tito Sotto III, hindi ite-terminate ng Senate Blue Ribbon Committee ang kanilang imbestigasyon sa kabila ng binuong Independent Commission on Infrastructure ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.