
ala na ng mga awtoridad ang suspek sa pagpatay kay conservative activist Charlie Kirk bilang si Tyler Robinson, 22 taong gulang.
Siya ay kasalukuyang nakakulong sa Utah County Jail nang walang piyansa at nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa pagpatay, iligal na pagdadala ng armas, at obstruction of justice.

Mananatili sa loob ng kulungan si dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. kahit pa pinayagan siya ng Manila Regional Trial Court na mag-piyansa sa kasong murder na kinahaharap nito noong 2019.
Ito ay may kaugnayan sa kasong pagpaslang sa bodyguard ni Basay mayoral candidate Cliff Cordova noong May 2019 na si Lester Bato.

Pormal na naghain ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs o DFA ng Pilipinas laban sa plano ng China na magtatag ng bagong pambansang nature reserve sa Scarborough Shoal.
Ayon sa pahayag ng DFA nitong Biyernes, ang naturang hakbang ng China ay labag sa soberanya ng Pilipinas at hindi kinikilala ang karapatan ng bansa sa nasabing bahagi ng West Philippine Sea.

Isang tawag sa 911 mula sa isang bangko sa Quezon City ang naging susi sa pagkakaaresto ng 11 suspek sa pagdukot sa isang 78-anyos na Filipino-Chinese na negosyante, ayon kay DILG Sec. Jonvic Remulla nitong Biyernes.

Ipinagdiriwang ngayong araw ang 68th birthday ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Bilang bahagi ng selebrasyon ng kaarawan ni PBBM, inilunsad ngayon ang ‘Handog ng Pangulo’ program sa ilang lugar sa bansa.