
Hinamon ni Manila 6th District Rep. Benny Abante si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na unahin ang distrito nito sa gagawing imbestigasyon sa flood control projects sa lungsod.
Ayon sa alkalde, mahigit 200 flood control projects na nagkakalahaga ng P14 billion ang ipinatupad sa Maynila, at lahat ito walang permit mula sa lokal na pamahalaan.

Isang bagong batas o mas mahigpit na regulasyon ang kailangan ngayon upang mabantayan at masalang mabuti ang mga contractor na nakikipagkontrata sa mga proyekto ng pamahalaan.
Ito ang paniniwala ng political analyst at director ng Local Government Development Institute na si Dr. Froilan Calilung.

Iimbitahan ng House infrastructure committees o infra comm ang isang dating Batangas congressman na sangkot umano sa maanomalyang proyekto sa kanilang distrito.
Ito ay matapos kumpirmahin ni Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda Leviste na ang pinalitan nito sa pwesto ang nasa likod umano ng mga anomalya sa infrastructure projects sa kanilang lugar.

Tiniyak ng ilang House leaders na pagkakalooban ng karampatang respeto sa isasagawang pagdinig ng House infrastructure committee hearing si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na nagsisiwalat ng mga katiwalian sa mga proyektong imprastraktura ng pamahalaan.

— Hindi lang korapsyon sa flood control: Buong 2024 at 2025 budget, dapat imbestigahan
— VP Sara— PBBM, inaasahan ni Sen. Hontiveros na kasali sa lifestyle check ng mga gov’t official
— Ex-CIDG Dir. Macapaz, handang sagutin ang ukol sa suspension sa tamang forum