
Kabilang na ngayon ang junior high school sa Government Internship Program (GIP) ng gobyerno ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Bukod dito, pinalawig na rin sa isang taon ang programa.

Nailigtas ng Philippine Coast Guard Southern Tagalog ang nasa 119 na indibidwal mula sa nasunog na passenger-cargo vessel noong August 27.

Tinanggal na ng China ang tugboat ng People's Liberation Army Navy sa Ayungin Shoal ayon sa Philippine Navy.
Nabawasan na rin ang mga barko ng Chinese Coast Guard at maritime militia vessel.

Sabay-sabay na bumisita ang magkakapatid na Duterte sa kanilang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na naka-ditene sa International Criminal Court.
Ayon kay Vice President Sara Duterte, ikinatuwa ito ng kaniyang ama lalo na at special request ito ng dating pangulo sa kaniyang mga anak.

Isa sa magiging top priority ng Social Security System o SSS ay ang pagpapaigting ng cyber security upang maiwasan na mabiktima ng scam ang isang SSS member.