
Palaisipan para sa Bureau of Immigration ang kumakalat na impormasyon na nakalabas na umano ng bansa si Cassandra Li-Ong, ang associate ng Lucky South 99, ang POGO hub na nadiskubre noon sa Porac, Pampanga.
Hinala ng immigration na maaaring dumaan sa back door o gumamit ng ibang pasaporte si Cassandra Ong.

Natapos na ang firefighting operations sa Wang Fuk Court sa Hong Kong makalipas ang mahigit 24 na oras.
Miyerkules ng hapon nagsimula ang sunog hanggang sa mabilis itong kumalat sa 7 gusali ng apartment complex at ituring na isa sa pinakamalaking sunog sa kasaysayan ng Hong Kong.

Libu-libong manggagawa ang naapektuhan ng flood control scandal.
Kaugnay nito, siniyasat sa budget debates ng Senado ang mga aksyon ng Department of Labor and Employment o DOLE para sa mga manggagawang apektado ng korapsyon sa flood control.

Sa susunod na linggo ay maaari nang mapanood ng publiko ang pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.
Ito ay kung may resource person na papayag sa livestreaming ng pagdinig.

Magpapatupad ng gun ban ang Philippine National Police kasabay ng Trillion Peso March sa Linggo, November 30.
Ito’y kasunod ng inaasahang pagdagsa ng mga Pilipinong maghahayag ng kanilang saloobin dahil sa kaliwa’t kanang katiwalian sa pamahalaan.