
Sinusuportahan ng iba’t ibang lider ng medical sector ang pagsusulong ng House Bill 2943 o ang Preventive and Lifestyle Medicine Act of the Philippines.

Patuloy na nagpapagaling sa ospital sa Hong Kong ang Overseas Filipino Worker na si Rhodora Alcaraz na nagligtas ng alaga nitong tatlong buwang gulang na sanggol nang sumiklab ang malaking sunog sa Tai Po district. Gumaan naman ang pakiramdam ng pamilya ni Rhodora dahil sa nakakausap na nila ito.

Ilulunsad ngayong araw ng Metropolitan Manila Development Authority ang bagong features sa ‘May Huli Ka’ app.

Maghahandog ng libreng sakay sa lahat ng mga pasahero sa MRT-3 sa darating na December 10, araw ng Miyerkules bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Human Rights Day.

Posibleng magpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ang mga kumpanya ng langis sa darating na Martes, December 9.
Ilan pa rin sa mga dahilan ng paggalaw sa presyo ay geopolitical tension sa pagitan ng Russia at Ukraine, gayundin ang hidwaan ng US at Venezuela.