Nanguna ang mga K-pop star sa listahan ng pinakasikat na global hit songs ng 2025, ayon sa datos na inilabas ng International Federation of the Phonographic Industry (IFPI).
Tinanghal na biggest hit song ng taon ang “APT” ni Rosé ng BlackPink kasama si Bruno Mars, matapos itong makapagtala ng mahigit 2 billion streams at maging unang kanta na may non-English lyrics na nanguna sa global chart.





















