Back

UNTV News and Rescue

2:05
Politics

Ph Embassy sa America, nagpaalala sa fil-ams kaugnay ng renouncement ng Filipino citizenship

December 8, 2025 1:50 PM
PST

Naglabas ng abiso ang embahada ng Pilipinas sa United States para sa mga Filipino-American na huwag magpadalos-dalos sa renouncement ng kanilang Ph citizenship.

Ayon sa Philippine Embassy sa Washington, panukala pa lamang ito at dadaan pa sa mahabang proseso ng pagbubusisi bago maging isang ganap na batas.

2:10
Politics

Atty. Harry Roque, naghain ng opposition kaugnay ng Interpol red notice laban sa kaniya

December 8, 2025 1:50 PM
PST

Naghain ng opposition si dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque sa Interpol hinggil sa hiling na red notice ng pamahalaan ng Pilipinas laban sa kanya kaugnay ng kinakaharap nitong kaso dito sa Pilipinas.

2:44
Politics

VP Sara, hindi pa lusot sa issue ng umano’y korapsyon sa confidential funds ayon sa isang mambabatas

December 8, 2025 1:49 PM
PST

Hindi pa lusot si VP Sara Duterte sa pananagutan kaugnay ng hinihinalang maling paggamit ng confidential funds nito.

Reaksyon ito ni House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima matapos ipahayag ni VP Sara na hindi na nito ikinagulat ang panibagong impeachment complaint na ihahain laban sa kaniya sa Kamara.

2:09
Politics

Muling pagbuhay sa impeachment complaint laban sa kanya, hindi na umano ikinagulat ni VP Sara

December 8, 2025 1:49 PM
PST

Naglabas ng pahayag si Vice President Sara Duterte kaugnay ng panibagong impeachment complaint na umano'y isinusulong ng ilang miyembro ng House of Representatives.

Ito ay matapos ma-archive ng Senado ang impeachment laban sa kanya ngayong taon.

0:48
Politics

Pagpapalawig sa lung cancer coverage, hiniling sa PhilHealth

December 8, 2025 1:49 PM
PST

Nanawagan ang mga health experts, grupo ng mga pasyente, at ilang mga mambabatas na palawigin ang benefit package ng Philippine Health Insurance Corporation para sa lung cancer.

Ayon sa Chairman ng Lung Health Alliance of the Philippines o LungHAP, ang lung cancer ay hindi na lamang isang isyu sa kalusugan kundi ito'y nangungunang dahilan ng pagkasawi sa mga may cancer sa Pilipinas.