Nagtungo sa Korte Suprema sa Maynila ang mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bago ang nakatakdang confirmation of charges hearing mamayang hapon.
Ito ay upang hikayatin ang Korte na resolbahin na ang mga isyu kaugnay ng pagkaka-aresto sa dating Pangulo.






















