
Nagpapatuloy ngayong araw ang confirmation of charges kaugnay sa kasong crime against humanity.
Sa pagdinig na ito, ang panig naman ng depensa ang maghahain at maglalahad ng kanilang mga argumento.

Kahit may higit dalawang taon pa bago matapos ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ayon sa isang political analyst, nagsisimula na ang pagpoposisyon ng mga politiko para sa 2028 presidential elections kasunod ng deklarasyon ni Vice President Sara Duterte.
Aniya, may indikasyon na rin na naghahanap ang administrasyon ng pantapat sa bise presidente.

Nagpapatuloy ang assessment ng mga awtoridad sa lawak ng pinsala sa naganap na sunog sa Cabildo Street sa Intramuros, Maynila kahapon.
Ayon sa punong barangay ng lugar, posibleng selos at paghihiganti ang motibo ng suspek sa panununog.

Naharang ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission ang isang truck na may kargang copper o tanso mula Zamboanga patungong Iligan City.
Ayon sa ahensya, walang kaukulang permit mula sa Mines and Geosciences Bureau ng Department of Environment and Natural Resources ang naturang kargamento.

- Bank accounts ni VP Sara, posibleng buksan sa pag-usad ng impeachment ayon sa isang mambabatas
- Sen. Bato dela Rosa, tinanggalan na ng halos lahat ng Senate committee membership
- ₱100-M, nakolekta ng BOC mula sa auction ng mga sasakyan ng mga Discaya