
Dumating na sa Geneva ang delegasyon ng Iran para sa pagpapatuloy ng high-stakes talks kasama ang Estados Unidos kaugnay ng nuclear program ng Tehran.
Kasabay nito, pinalawak ng Washington ang mga ipinatutupad nitong sanctions sa Tehran at nagbabala ng posibleng aksyong militar kung walang magiging kasunduan sa nagaganap na pag-uusap.

Isinumite ng abogado ng mga nagpakilalang dating miyembro ng Philippine Marines ang salaysay ng mga ito sa Office of the Ombudsman.
Laman ng salaysay kung paano umano naging tagapagdala ang mga ito ng male-maletang pera mula kay dating Cong. Zaldy Co upang maihatid sa lugar ng iba't ibang politiko.

Inaasahang magkakaroon ng oversupply ng sibuyas simula sa susunod na buwan at posibleng hindi na magkasya sa mga onion cold storage facility sa Nueva Ecija.
Buwan ng Marso ang ani ng pulang sibuyas kaya inaasahang bababa ang presyo.
Plano naman ng ilang magsasaka na iimbak muna ang ani at ibenta kapag hindi na palugi ang presyuhan.

Nagpaalala ang Department of Foreign Affairs sa lahat ng Philippine passport holders na iwasang mamarkahan ng hindi awtorisadong selyo o stamps ang kanilang e-passports.
Ayon sa ahensya, ang mga unauthorized marking sa e-passport ay nagpapawalang-bisa rito.

Mas magiging mabilis na ang produksyon ng family food packs para sa Visayas dahil sa bagong mechanized production system ng Visayas Disaster Resource Center sa Mandaue City.
Kanina, nag-inspeksyon mismo sa bagong pasilidad si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.