
Tiniyak ni Executive Secretary Ralph Recto na walang anumang uri ng pork barrel sa pambansang pondo ngayong taon. Taliwas aniya ito sa pahayag ng ilang mambabatas.

Ibinaba ng Pilipinas sa lima hanggang anim na porsiyento ang target na paglago ng ekonomiya para sa taong 2026.
Ayon kay Economy, Planning, and Development Secretary Arsenio Balisacan, dahil ito sa mga hamon sa loob at labas ng bansa.

-PBBM, tiniyak na hindi mapupunta sa kurakot ang 2026 nat’l budget
-Zaldy Co, nahaharap na rin sa plunder complaint sa DOJ
-Greenland, kailangan ng U.S. para sa national security ayon kay Trump

Kanselado ang pasok sa mga eskwelahan sa Maynila upang bigyang-daan ang Traslacion sa darating na January 9. Kaalinsabay nito, kanselado rin ang pasok sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Isa nang ganap na batas ang 2026 General Appropriations Bill matapos lagdaan kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Tiniyak ng Malakanyang na “pork barrel free” ang pambansang pondo para sa taong ito.