
Hinirang bilang isa sa mga best airports in Asia Pacific ang Mactan-Cebu International Airport ayon sa 2025 Airport Service Quality.
Isasagawa ang awarding ceremony sa ACI World Airport Experience Summit sa Istanbul, Turkey ngayong taon.

Hindi magpapataw ng anumang parusa ang pamahalaan sa mga magulang na tumatangging pabakunahan ang kanilang mga anak.
Ito ang binigyang-diin ni Department of Health Secretary Ted Herbosa at sinabing iginagalang ng ahensya ang karapatang pantao at paniniwala ng bawat pamilya.

Mariing itinanggi ng International Criminal Court (ICC) prosecutors ang mga alegasyon na sinuhulan sila para sa kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Binibigyang-diin din ng ICC na ang kanilang operasyon ay mahigpit na nakabatay sa regulasyon.

Inilipat na ng kulungan ang vlogger na si Norman Mangusin, alyas Francis Leo Marcos.
Kinumpirma naman ng PNP-CIDG na naghain sila ng opposition for bail sa korte laban sa vlogger.

Tutukuyin na sa Lunes, March 2, ng House Justice Committee kung sufficient in form ang apat na reklamong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay House panel chairperson at Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro, naipamahagi na sa mga miyembro ng House Justice Committee ang abiso tungkol sa deliberasyon at kopya ng impeachment complaints.