
Naghain ng petisyon ang ilang abogado at concerned citizen sa Supreme Court upang hiniling na maglabas ng kautusan para isapubliko ng Senate Blue Ribbon Committee ang ginawang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.

Itinaas ng Philippine National Police ang heightened alert status upang maging handa sa anumang posibleng mangyari kaugnay ng kaguluhan sa gitnang silangan.
Kabilang sa babantayan ng pambansang pulisya ang embahada ng United States at Israel sa Pilipinas.

Nagsagawa ng kilos-protesta sa Batasang Pambansa ang ilang grupong sumusuporta sa paghahain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Kasabay ito ng pagsisimula ng pagtalakay sa mga reklamo laban sa pangalawang pangulo.

Nagdudulot ng tensyon sa mga Overseas Filipino Workers sa Middle East ang pag-atake ng mga missile dahil sa gera sa pagitan ng United States, Israel, at Iran.
Ayon sa isang ofw sa Middle East, nakikita nila sa airspace ang mga missile na nai-intercept at naririnig din ang mga pagsabog.

Sinimulan na ng House Justice Committee ang deliberasyon sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
Iniurong naman ng petitioners ang ikalawang impeachment complaint sa pagsisimula ng deliberasyon.