
Inamin ni Ombudsman Crispin Remulla na nakipagpulong siya sa mga kinatawan ng International Criminal Court noong nakaraang taon.
Ito ay kaugnay ng nakasulat sa salaysay ng labing-walong nagpapakilalang Marines na nakipag-ugnayan umano si Ombudsman Remulla sa ICC sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sugatan ang isang overseas Filipino worker sa pagsabog sa Kuwaiti airport kahapon.
Ito ang kinumpirma ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac.

Nagpatawag ng cabinet meeting si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong umaga upang talakayin ang isyu sa Gitnang Silangan.
Kakausapin din ng pangulo ang liderato ng Kongreso para talakayin ang panukalang emergency power.

Inaasahang mapapabilis na ang pagtalakay ng House Justice Committee sa mga reklamong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte ayon kay House Justice Committee Chairperson at Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro.
Ito ay dahil mula sa apat, dalawang reklamo na lang ang didinggin ng house panel.

Pinag-iingat ng Maritime Industry Authority ang mga barko na nakarehistro sa Pilipinas sa kanilang international voyage dahil sa patuloy na kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Nagsasagawa na rin ang MARINA ng tracking sa mga barko na Philippine-registered.