
Check out our official social media accounts:
🌞 FACEBOOK: http://www.facebook.com/GoodMorningKuya/
🌞 TWITTER: http://www.twitter.com/GoodMorningKuya/

- Sufficiency in substance ng 2 reklamong impeachment vs VP Sara, inaasahang pagbobotohan ngayong araw
- Sen. Sherwin Gatchalian, iminungkahi na gamitin ang pondo ng Pangulo para sa fuel subsidy
- 10 deals sa defense, agriculture, trade, investment, at iba pa, nilagdaan ng PH at South Korea

Muling nasaksihan ang diwa ng volunteerism at bayanihan sa ginanap na taunang clean-up drive sa bansang Australia.
Ang naturang inisyatibo ay sabayang ginawa sa iba’t ibang panig ng bansa upang maipakita ang pagpapahalaga sa kalikasan.

Mariing itinanggi ng Spain ang alegasyon na sinusuportahan umano nito ang Iran sa mga pag-atake nito sa Gitnang Silangan.
Ayon kay Spanish Foreign Affairs Minister José Manuel Albares, hindi makatwiran at katawa-tawa ang nasabing alegasyon ni Israel Foreign Affairs Minister Gideon Sa’ar.

Posibleng umabot ng apat hanggang limang linggo ang military operation ng Estados Unidos na “Epic Fury” na layong hadlangan ang pag-unlad ng nuclear at ballistic missile program ng Iran, at wasakin ang mga kakayahan nito na itinuturing na banta sa seguridad ng America at ng mga kaalyado nito.
Ayon kay US Pres. Donald Trump, ito ang orihinal na projection ng kanyang administrasyon.