Back

UNTV News and Rescue

3:17
Politics

Germany, suportado ang hakbang ng Estados Unidos at Israel sa Iran

March 6, 2026 1:37 PM
PST

Nagpulong sa White House si U.S. President Donald Trump at German Chancellor Friedrich Merz kung saan nagpahayag ng suporta ang Germany sa mga operasyon ng United States at Israel laban sa Iran.  

Tinalakay din ng dalawang lider ang lumalawak na digmaan sa Middle East, ang relasyong pangkalakalan ng U.S. at Europe, at ang patuloy na digmaan sa Ukraine.

1:42
Politics

United Kingdom, magpapadala sa Cyprus ng isang Royal Navy warship

March 6, 2026 1:34 PM
PST

Magpapadala ang United Kingdom ng isang Royal Navy warship sa Cyprus upang paigtingin ang seguridad sa paligid ng RAF Akrotiri.  

Ito ay bunsod ng lumalalang digmaan sa pagitan ng Estados Unidos at Israel laban sa Iran.

1:19
Politics

DMW, pinag-aaralan ang land travel bilang paraan para sa repatriation ng OFWs sa Middle East

March 6, 2026 1:30 PM
PST

Pinag-aaralan ng Department of Migrant Workers ang land travel bilang alternatibong paraan para sa repatriation ng mga Pilipinong nais umuwi mula sa Middle East.  

Ito ay dahil sarado pa ang airspace at ilang paliparan sa mga bansang apektado ng tensyon sa rehiyon kabilang ang Israel, kaya limitado ang paggamit ng air travel.

1:08
Politics

DA, binabantayan ang epekto ng gulo sa Middle East sa agrikultura

March 6, 2026 1:26 PM
PST

Mahigpit na mino-monitor ng Department of Agriculture ang nagpapatuloy na gulo sa Middle East na maaaring magpataas sa presyo ng langis.  

Ayon kay Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., posibleng tumaas ang gastos sa fuel, fertilizer, at freight na ginagamit ng mga magsasaka at mangingisda kung tatagal ang tensyon.

1:25
Politics

TRAIN Law, hindi na puwede gamitin para suspendihin ang fuel excise tax — Malacañang

March 6, 2026 1:28 PM
PST

Ilang mambabatas ang nagrekomendang ipatupad ang probisyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law para sa automatic suspension ng fuel excise tax kapag lumampas sa $80 ang presyo ng kada bariles ng krudo.  

Gayunman, nilinaw ng Malacañang na hindi na ito maaaring gamitin dahil umiiral lamang ang probisyong ito mula 2018 hanggang 2020.