Hindi lang pagdiriwang ng musika kundi pagkilala sa husay, malasakit, at impluwensiya ng mga haligi ng OPM ang naging tampok sa ika-11 taon ng Wish Music Awards, kung saan ginawaran ng parangal ang bagong hanay ng KDR Icons.
Kasabay nito, ipinakilala ang bagong KDR Icon Award, pagkilalang ibinibigay sa artist na may kahanga-hangang career milestones at patuloy na gumuguhit ng kasaysayan sa Filipino music scene.

Tulad ng inaasahan, naging matagumpay ang 11th Wish Music Awards kagabi sa Araneta Coliseum.
Kilalanin ang OPM artists na humakot ng awards.

Dalawang senior citizen ang tinulungan ng UNTV News and Rescue Team na maihatid sa ospital at sa kanilang tahanan, kasunod ng pakiusap ng kani-kanilang pamilya.

Muling nadagdagan ang bilang ng mga nasawi mula sa pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City.
Bagaman may mga tao pang pinaghahanap, inaasahang ngayong hapon ay magpapasya na ang lokal na pamahalaan kung itutuloy pa ang rescue operations sa mga nawawala.

Nagpadala ang Estados Unidos ng daan‑daang karagdagang federal agents sa Minneapolis kasunod ng malawakang protesta matapos mabaril at mapatay ang 37‑anyos na si Renee Nicole Good ng isang ICE agent sa lungsod ng Minnesota.