
Nagbabala ang Department of Energy kaugnay sa posibilidad ng profiteering at hoarding ng mga produktong petrolyo.
Ito ay sa gitna ng nakaambang pagsipa ng presyo ng langis bunsod ng nagpapatuloy na digmaan sa Middle East.

Hindi pa posible ngayon ang hinihiling na taas-pasahe ng lahat ng pampublikong sasakyan sa gitna ng banta ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Samantala, ayon naman sa Transportation Department, hindi nila agad mailalabas ang fuel subsidy dahil kailangan pa itong dumaan sa masusing proseso.

Nilinaw ng Department of Migrant Workers at ng Overseas Workers Welfare Administration na walang katotohanan ang kumakalat na impormasyon online hinggil sa umano'y P150,000 na financial assistance mula sa kanilang tanggapan.

Tiniyak ng Department of Migrant Workers at Overseas Workers Welfare Administration na may sapat na tulong para sa mga OFW na nakauwi mula sa Middle East.
Kabilang sa ibinibigay ang pansamantalang matutuluyan, pagkain, transportasyon at financial assistance.
Mayroon ding medical at psychosocial support upang matulungan ang mga OFW na makabangon mula sa kanilang naranasang krisis.

Check out our official social media accounts:
🌞 FACEBOOK: http://www.facebook.com/GoodMorningKuya/
🌞 TWITTER: http://www.twitter.com/GoodMorningKuya/