
Nagpahayag ng pananaw ang ilang grupo ng manggagawa at employers hinggil sa pinag-uusapang panukala na four-day work week.
Ayon sa kanila, dapat pag-aralan itong mabuti at hindi gawing mandatory, lalo na kung magpapatuloy at lalala ang tensyon sa Gitnang Silangan.

Nahaharap sa patong-patong na kaso si Bureau of Fire Protection Chief Director Jesus Fernandez dahil sa mga isyu noong siya pa ang chairman ng BFP Bids and Awards Committee.
Kaugnay nito ang maanomalya at umano’y may halos P15-M na kickback sa pagbili ng mga ambulansya mula sa supplier na kanyang pinili.

Posibleng simulan na ang repatriation o pagpapauwi sa mga Overseas Filipino Worker sa Middle East, ayon sa Department of Migrant Workers.
Ayon sa ahensya, sisimulan ito kapag binuksan na ang airspace sa Gulf region.
Kaugnay nito, dumating na sa bansa ang unang batch ng mga Pilipino na stranded sa Dubai.

Tinalakay ngayong araw sa Senado ang plano ng mga ahensya ng pamahalaan para tugunan ang epekto ng tumitinding gulo sa Gitnang Silangan.
Puna ni Senator Raffy Rulfo, hindi umano matawagan ang emergency hotlines ng pamahalaan sa ilang lugar sa Middle East ayon sa ulat na nakakarating sa kanya.

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang paggiba sa tinaguriang “Mt. Kamuning” footbridge sa EDSA kasunod ng pagbubukas ng bagong pedestrian bridge na konektado sa MRT Line 3 at sa bagong EDSA busway Kamuning station.
Kanina, nag-inspeksyon ang Pangulo kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos upang personal na makita ang bagong footbridge at busway station na inaasahang magpapabuti sa daloy ng mga commuter.