
Tukoy na ng pamahalaan ang kinaroroonan sa ibang bansa ng dating mambabatas na si Zaldy Co.
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, kasama sa agenda niya sa pagpunta sa France ang pagpapauwi sa dating kongresista.
.png)
Ibinasura ng Taguig City Prosecutor’s Office ang reklamong perjury na isinampa ni VP Sara Duterte laban sa nagpakilalang dati niyang bagman na si Ramil Madriaga dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Kumpiyansa si US President Donald Trump na malapit nang matapos ang giyera sa Iran at sinabing layunin ng Amerika na pigilan itong magkaroon ng nuclear weapons. Iginiit naman ng Iran na nagsisimula pa lamang ang bago nitong opensiba laban sa US.
.png)
Dinaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Luzon Economic Corridor investment forum, kung saan nakaharap niya ang mga dayuhang mamumuhunan para sa planong Pax Silica hub.
Kasabay nito, nagprotesta sa venue ang ilang grupong tutol sa Pax Silica initiative, na nauwi sa komosyon.