
Lumalawak ang teritoryong kontrolado ng Houthi rebels sa Yemen matapos maagaw ang estratehikong port city ng Mokha at Zuqar Island.
Dahil dito, mas lumalapit ang Iran-backed group sa Bab al-Mandab Strait, na isa sa pinakamahahalagang shipping routes sa mundo.

Sinagot ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang pahayag ng Chinese Foreign Ministry na tinawag na “provocations and theatrics” ang kanyang mga komento matapos siyang abutan ng papel ng isang Chinese delegate sa Seoul Defense Dialogue.

Humihiling si Vice President Sara Duterte ng temporary restraining order o writ of preliminary injunction mula sa Korte Suprema para sa tatlong kasong grave threats na isinampa laban sa kanya ng Department of Justice.

Sa pagbubukas ng talakayan sa umano’y hindi maipaliwanag na yaman ni Vice President Sara Duterte sa kanyang impeachment trial, pinag-iisipan ng Prosekusyon kung ipapatawag nila ang asawa nito para tumestigo sa paglilitis.
Samantala, nananatili namang nakalista bilang witness si former Senator Antonio Trillanes IV laban sa Bise Presidente.

Lumalakas na ang posibilidad na maaresto si Senator Ronald “Bato” dela Rosa, ayon kay DILG Sec. Jonvic Remulla.
Tumanggi naman ang Kalihim na magbigay pa ng detalye kaugnay sa umano’y pagkukupkop o pagprotekta sa Senador, dahil maaari aniya nitong makompromiso ang kanilang operasyon.