
Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi magiging sapilitan, sakaling ipatupad ang 4-day work week.
Ito ang tugon ng DOLE sa mga saloobin ng ilang grupong nagsasabi na dapat pag-aralan muna ang nasabing panukala.

Nanawagan ang Makabayan lawmakers kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-certify as urgent ang House Bill 4774 o ‘Presyo Ibaba Bill’.
Sa gitna pa rin ito ng krisis sa langis bunsod ng pag-atake ng US at Israel sa Iran.

Nagsimula na ang pagtalakay ng Senado sa kahandaan ng pamahalaan sa mga posibleng epektong dala ng gulo sa gitnang silangan.
Dinaluhan ito ng lahat ng concerned agencies na inaasahang tutugon sa krisis.

Pito hanggang bente otso pesos ang maaaring itaas ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo bunsod ng nangyayaring gulo sa Middle East.
Ayon sa Department of Energy, sa laki ng inaasahang oil price increase, pumayag na ang mga oil company sa bansa na utay-utayin ang pagpapatupad nito.

Nag-abiso na ang Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy na siguradong tataas ang presyo ng petrolyo sa susunod na linggo bunsod ng epekto ng gulo sa Gitnang Silangan.