Back

UNTV News and Rescue

00:47
Politics

Minors edad 16 pababa, bawal nang gumamit ng social media sa Indonesia simula March 28

March 7, 2026 6:16 PM
PST

Ipagbabawal na ng pamahalaan ng Indonesia ang paggamit ng social media sa mga kabataang edad 16 pababa.

Ayon kay Communications and Digital Affairs Minister Meutya Hafid, ang mga kabataan sa nasabing edad ay pinagbawalan nang gumawa ng sariling social media account, lalo na sa mga high-risk digital platforms.

00:47
Politics

Paglalabas ng national oil reserves, pinag-aaralan ng Japan dahil sa gulo sa Middle East

March 7, 2026 6:17 PM
PST

Pinag-aaralan na ng bansang Japan ang paglalabas ng mga reserba nitong langis dahil sa posibleng epekto ng gulo sa Middle East.  

Sa Middle East nagmumula ang 95% ng suplay ng langis ng Japan kung saan 70% nito ay dumaraan sa Strait of Hormuz na ngayon ay apektado ng gulo.

3:04
Politics

4Ps na kumukonsumo ng 50 kWh kuryente kada buwan, wala nang babayaran ayon sa DOE

March 7, 2026 6:17 PM
PST

Wala nang babayarang kuryente ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na kumokonsumo ng 50 per kilowatt hour kada buwan.

Ito ay sa ilalim ng Extended Lifeline Rate Program ng pamahalaan.

1:46
Politics

Hiling ni Zaldy Co na bawiin ang deklarasyong siya ay "fugitive", 'di pinagbigyan ng Sandiganbayan

March 7, 2026 6:18 PM
PST

Hindi pinagbigyan ng Sandiganbayan ang motion for reconsideration na inihain ni dating Congressman Zaldy Co noong Pebrero.  

Sa resolusyong inilabas ng Sandiganbayan 6th Division nitong Huwebes, denied ang hiling ni Co na bawiin ang deklarasyong "fugitive" siya sa batas.

3:39
Politics

Impeachment vs. VP Sara, dahil umano sa planong presidential bid ni dating Speaker Martin Romualdez

March 7, 2026 6:18 PM
PST

Direktang itinuturo ni Vice President Sara Duterte si dating Speaker Martin Romualdez na pangunahing dahilan sa likod ng impeachment move laban sa kanya.  

Ayon sa Bise Presidente, ito ay upang bigyang-daan ang planong pagtakbo sa pagkapangulo sa 2028 ng dating House Speaker.