
Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at si United Nations Secretary-General António Guterres sa UN Headquarters sa New York, USA.
Tinalakay ng dalawang lider ang iba’t ibang isyu, kabilang na ang kandidatura ng Pilipinas para sa non-permanent seat sa UN Security Council.

Magpapatupad ang Meralco ng dagdag-singil sa kuryente ngayong Marso.
Ayon sa power distributor, konektado rin ang power rate increase na ito sa sigalot sa Gitnang Silangan.

Sa kaniyang talumpati sa ginanap na 70th Session ng United Nations Commission on the Status of Women sa New York, binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng edukasyon at pagpapalakas sa mga kababaihan upang makamit ang kaunlaran ng bansa.

Kasabay ng pagdiriwang ng National Women's Month, inihain ang panibagong panukalang batas sa Kamara para sa kapakanan ng mga kababaihan.
Kaugnay ito ng mga nangyayaring karahasan laban sa mga kababaihan, partikular na sa sektor ng pulitika.

Hindi mandatory sa mga pribadong sektor ang ipinatutupad na 4-day workweek sa layong makatipid sa enerhiya at fuel.
Payo ng Labor Department, maaari naman na magpatupad ng flexible work arrangement ang mga nasa pribadong kumpanya.