
Ipagpapatuloy ngayong araw, March 10 ng korte sa Lapu-Lapu City ang pre-trial conference sa kaso nina Sarah Discaya at 9 na opisyal ng DPWH kaugnay sa umano’y P96.5-M na ghost flood control project sa Davao Occidental.

Ilang biyahe ng barko sa Negros Oriental ang kinansela simula kahapon, March 9 at tatagal hanggang March 20, sa layuning makatipid sa konsumo ng fuel bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Nagbabala si US President Donald Trump laban sa posibleng pagbabalik ng Iranian women’s soccer team sa kanilang bansa matapos silang bansagang “traitors” ng Iranian media dahil sa pagtanggi nilang awitin ang pambansang awit bago ang laban kontra South Korea sa Asian Cup sa Australia.

Posibleng tumaas ng hanggang ₱80/liter ang presyo ng diesel sa susunod na linggo.
Ayon mismo yan sa ilang mga operator ng gasolinahan sa Bulacan.

Inilunsad na ng Philippine National Police ang ‘Ligtas Summer Vacation 2026’ operation.
Kaya naman, sisimulan na rin ng Pambansang Pulisya ang deployment ng mga pulis sa mga pasyalan sa mga susunod na araw.