
Ipinagtanggol ni Quebec Premier François Legault ang kanyang pamumuno sa kabila ng pagbagsak ng kanyang popularidad.
Ito’y matapos niyang ipahayag na bababa na ito sa pwesto bago pa ang pagsasagawa ng eleksyon sa Quebec.

Pangalawa na ang Australia sa pinakamalapit na security ally ng Pilipinas kasunod ng Estados Unidos.
Katunayan nito, limang military bases sa Pilipinas ay bahagi ng defence budget ng Australia ngayong taon.

Pinasinungalingan ng lokal na pamahalaan ng Abra de Ilog, Occidental Mindoro ang ulat na may tatlong batang Mangyan na nasawi at may mga sibilyang nadamay sa engkwentro sa pagitan ng militar at rebeldeng New People’s Army noong January 1.

Itinuturing nang fugitive from justice ang negosyanteng si Charlie ‘Atong’ Ang.
Ayon sa Department of Justice (DOJ), maaaring hilingin ng kampo ni Ang sa korte na i-hold in abeyance o itigil muna ang pagpapatupad sa arrest warrant.

Inilipat muna sa central office ng Land Transportation Office ang opisyal ng LTO regional office 4-B at region 7.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao, bukod sa umano'y alegasyon ng kurapsyon, isa pa sa kanilang tinitingnan ay kung may kaugnayan sa mga fixer ang nasabing mga opisyal.