
Kinilala ng Michelin Guide ang Pilipinas bilang isa sa most exciting foodie destinations sa 2026, kasama ng labing lima pang mga bansa sa buong mundo.

Hinimok ng tech giant na Meta ang gobyerno ng Australia na muling pag-aralan ang ipinatutupad na social media ban para sa mga user nitong wala pang labing anim na taong gulang.

Nagbanta si US President Donald Trump na puputulin niya ang lahat ng suplay ng langis at pondong pumapasok sa Cuba kung hindi ito makikipagkasundo sa Amerika.
Ito ay matapos mapatalsik ang kaalyado ng Cuba na si dating Venezuelan Leader Nicolas Maduro.

Arestado ng Bureau of Immigration ang isang puganteng South Korean na may Interpol Red Notice, matapos na ma-verify sa system ng BI.

Matapos ang ilang oras ng negosasyon, dinala sa Police Station 11 ang isang sundalo na umano’y nang-hostage sa sarili niyang asawa sa loob ng isang boarding house sa Zamboanga City na nangyari noong Sabado, January 10.