Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang pag-abolish o pag-aalis ng travel tax na binabayaran ng mga biyahero.
Sa botong 257 na yes, isang no at isang abstention, inaprubahan ng Kamara ang House Bill No. 8464 na layong tanggalin ang travel tax.






















