
May pagtuya ang mensahe ng Iran kay US President Donald Trump.
Sa wikang Ingles, sinabi ng tagapagsalita ng Iranian military na ang tunay na resulta ng laban ay hindi matutukoy sa social media.
Ito ang tugon ng Iran sa mga pahayag ni Trump sa kaniyang Truth Social account na nagsasabing natalo na nito ang kanilang puwersa.

Hindi nagustuhan ni US President Donald Trump ang tila pag-iwan sa kanya ng kanyang mga kaalyado sa hinihingi niyang tulong sa Strait of Hormuz.
Bagaman naniniwala si Trump na kaya ng US na buksan ang Strait of Hormuz, aminado siya na hindi dapat Amerika lamang ang kumikilos sa bagay na ito.

Target ng Senado na maipasa sa ikalawa at ikatlong pagbasa ang panukalang suspensyon o pagbawas sa excise tax sa langis.
Ngunit nangangamba ang ilang senador na posibleng ang malalaking korporasyon lamang ang makinabang sakaling maipasa ang panukala.

Nakatawid na patungong Riyadh, Saudi Arabia ang 27 Filipino mula Qatar para makasakay ng eroplano, ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Qatar.
Ipinaliwanag ni Ambassador Mardomel Celo Melicor na bumiyahe ng nasa 12 oras ang mga Filipino para makatawid lamang ng border.

Ang sobrang paglalaro ng online games ay walang maidudulot na mabuti, ayon sa Philippine National Police (PNP), kasunod ng pagkakasagip sa ilang kabataan sa Marikina at Laguna na labis na naaadik sa ganitong libangan.
Pinag-iingat din ng awtoridad ang mga kabataan laban sa panganib na maimpluwensyahan ng mga extremist at maengganyong gumawa ng krimen.