Back

UNTV News and Rescue

5:40
Politics

Ulat ng Inspector General sa lawak ng pinsala at gastos ng Iran war, hindi biro para sa US

September 16, 2026 8:40 PM
PST

Pinangangambahang itutuloy-tuloy ni US President Donald Trump ang giyera sa Iran para makaiwas na lamang sa kahihiyan.

Sa inilabas na ulat ng Department of Defense Inspector General, nahayag na hindi biro ang pinsala at gastos ng Amerika sa giyerang sinimulan ni Trump.

Bukod dito, inaasahang mauuwi sa impeachment sakaling hindi manalo ang partido ni Trump sa halalan.

‍

10:03
Politics

Voting threshold, 'di limitado sa 16 lang; 2/3 vote, dapat sa mga kwalipikado – Ex-Justices

September 16, 2026 8:39 PM
PST

Humarap ngayong araw sa Senate Impeachment Court ang ilang retiradong mahistrado ng Supreme Court upang magbigay-linaw sa voting threshold para sa conviction o acquittal sa impeachment trial.

Ayon sa kanilang expert opinion, hindi limitado sa 16 na boto ang threshold at dapat ibatay ang two-thirds vote sa bilang ng mga kwalipikadong bumoto.

‍

3:40
Politics

Sen. Padilla, gustong sa ICC na lang dalhin ang isyu ng umano'y pagtulong kay Sen. Bato

September 16, 2026 8:36 PM
PST

Mas gugustuhin ni Senator Robinhood Padilla na sa International Criminal Court na lang dalhin ang kasong obstruction of justice laban sa kanya.

Kaugnay ito ng umano'y pagtulong niya kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa na makaalis sa Senado habang inaabangan umano ang pag-aresto rito noong nakaraang Mayo.

‍

2:17
Politics

Mosyon ni Romualdez na ilipat sa gov't hospital, denied

September 16, 2026 8:34 PM
PST

Hihilingin ng kampo ni dating House Speaker Martin Romualdez sa Sandiganbayan na payagan siyang makapagpiyansa sa kasong plunder.

Samantala, hindi pinagbigyan ng korte ang mosyon niyang mailipat sa isang government hospital.

‍

1:19:19
Politics
Crime & Investigation
Health & Lifestyle
Weather & Environment

UNTV: Ito Ang Balita | September 15, 2026

September 21, 2026 10:30 PM
PST

- VP Sara Duterte, zero cash declarations mula 2019 hanggang 2025; pero net worth tumaas

- Dating House Speaker Martin Romualdez, sumailalim sa booking procedure; DILG, iginiit na hindi bibigyan ng special treatment ang pinsan ng Pangulo

- Palasyo, may sagot sa bagong banat ng kampo ni VP Sara vs PBBM

‍