
Mahihirapan na ang Commission on Elections na isagawa ang unang Bangsamoro parliamentary elections sa March 30 ngayong taon.
Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, kapos na sila sa panahon para sa paghahanda.

Isang low pressure area (LPA) ang namataan sa Silangang bahagi ng Davao City na nagdudulot ng pag-ulan sa Visayas at Mindanao. Ayon sa PAGASA, mataas ang tyansa na ito ay maging bagyo sa loob ng susunod na 24 oras. Panoorin ang latest update mula sa Philippine Weather Bureau PAGASA.

Dalawang Liberal Party member of Parliament ng Canada ang maagang nagtapos ng kanilang official trip sa Taiwan bago ang nakatakdang pagbisita ni Punong Ministro Mark Carney sa China.
Ito ang unang pagbisita sa Beijing ng isang Prime Minister ng Canada mula noong 2017.

Mula sa malalaking lungsod sa Estados Unidos, umabot na sa mga maliliit na bayan ng bansa ang kilos protesta laban sa Immigration and Customs Enforcement.
Ito’y bunsod ng pagkamatay ng isang mamamayan sa Minnesota sa kasagsagan ng operasyon ng mga immigration officer.

Ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magandang reputasyon ng mga overseas Filipino workers sa United Arab Emirates.
Ito aniya ang dahilan kung kaya’t naisakatuparan ang pagkakaroon ng isang free trade agreement sa pagitan ng Pilipinas at UAE, na kauna-unahan sa buong Middle East.