
Kasong administratibo ang maaaring kaharapin ng mga pulitiko na pupunta pa rin sa pamamahagi ng ayuda ng pamahalaan.
Pangunahin na ang mga financial assistance na nagmumula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

- Ilang opisyal at tauhan ng Bureau of Fire Protection, sasampahan ng reklamo ng Department of the Interior and Local Government bunsod ng umano’y katiwalian
- Makasaysayang free trade agreement sa pagitan ng Pilipinas at United Arab Emirates, nilagdaan na; mga Pilipino sa Abu Dhabi, haharapin ni Pangulong Marcos Jr.
- Dating DPWH Bulacan First District Engineer Henry Alcantra, hindi binawi ang mga naunang salaysay tungkol sa naging partisipasyon sa flood control scandal ayon sa kanyang abogado

Itutuloy bukas, Jan. 14, ang pagdinig ng Sandiganbayan sa petisyon ng mga akusado sa flood control scandal sa Oriental Mindoro na humihiling na makapagpiyansa.
Inaasahang mga abogado mula sa Independent Commission for Infrastructure ang tetestigo.
Sa pagdinig kanina, napagsabihan naman ang prosecution dahil may mga ebidensiyang inilatag na hindi namarkahan sa pre-trial.

Inihayag ng Land Transportation Office na tila nagiging dahilan ng ilang motorista ang pakiusap system upang hindi ma-isyuhan ng traffic violation.
Samantala, tututukan din ng LTO ngayong taon ang pagbuwag sa mga fixer.

Mamadaliin na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagtatapos ng mga ongoing at matagal nang nakatenggang proyekto ng pamahalaan, kabilang ang ilang ospital na sinuri ng ahensya ngayong araw.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, panahon na ring talikuran ang tinaguriang “tingi-tinging approach” sa pagpondo ng mga proyekto, na itinuturing na sanhi ng pagkaantala ng maraming konstruksyon.