
- Pagbuo ng crisis committee na tutugon sa epekto ng gulo sa Middle East sa Pilipinas, iniutos ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.
- Navotas City Representative Toby Tiangco, umaasa na pagbobotohan na sa plenaryo ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte sa darating na Mayo
- Pilipinas, nagdagdag ng puwersa sa Bajo de Masinloc kasunod ng panibagong pangha-harass ng Chinese Coast Guard

Tuklasin kung paano nabubuo ang langis, bakit napakahalaga nito, at ano ang ibig sabihin kapag limitado na ang supply sa hinaharap.

Ilang proyekto para sa kapakinabangan ng mga magsasaka ang binisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw.
Kabilang dito ang mga irigasyon na pinatatakbo ng solar power at isang bagong cold storage facility sa Camarines Sur.

Naghahanda na ang mga manufacturer at retailer sa posibleng pagtaas ng presyo ng mga produktong de lata.
Ayon sa Federation of the Philippine Industry (FPI), bahagi ng kanilang plano ang mas maayos na delivery schedule upang makatipid sa gastos sa gasolina at maiwasan ang aksaya.

Opisyal nang ini-anunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng tag-init o dry season.
Ayon sa weather bureau, asahan ang mas mainit na temperatura sa darating na mga araw, lalo na sa buwan ng Abril at Mayo.