
Muling iginiit ng Malacañang na handa si Pangulong Ferdinand Marcos Junior na lagdaan agad ang panukalang emergency powers subalit binigyang diin na may mga dapat na ikonsidera sa paggamit nito.

Umani ng batikos ang Malacañang dahil sa umano’y hindi nito pag-amin na may nangyayari nang krisis sa langis sa bansa.
Ito ay sa kabila nang walang patid na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Muling iginiit ng Malacañang na walang oil crisis sa Pilipinas bunsod ng sigalot sa Middle East.
Binigyang diin ng Malacañang na may sapat na suplay ng langis ang Pilipinas at patuloy na gumagawa ng paraan ang pamahalaan upang hindi maubos ang fuel supply ng bansa.

Pangungunahan ng grupong Manibela ang malawakang dalawang araw na transport strike sa March 26 at 27.
Bukod sa mga jeepney driver, kasama rin anila sa mga inaasahang lalahok sa transport strike ang mga ride hailing services, uv express, motorcycle taxis, at grupo ng mga trucker.

Panibagong mega oil price hike na aabot sa hanggang mahigit 20 pesos ang ipatutupad ng mga kumpanya ng langis ngayong araw ng Martes, March 24, 2026.