Back

UNTV News and Rescue

2:59
Politics
Crime & Investigation

Atong Ang, may hiling sa DOJ kaugnay ng kaso ng missing sabungeros

March 24, 2026 10:00 AM
PST

Humihiling sa Department of Justice ang kampo ng business tycoon na si Charlie 'Atong' Ang na alisin siya sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Samantala, pinabulaanan naman ng kampo ni Atong Ang ang akusasyon ni Julie Patidongan na ang negosyante ang umano'y mastermind sa pagkawala ng mga sabungero.

2:00
Politics

Ilan sa 18 ex-Marines, umaming binayaran ayon kay dating Sen. Antonio Trillanes

March 24, 2026 10:00 AM
PST

Inihayag ni dating senador Antonio Sonny Trillanes IV na may ilan umanong kasamahan ang 18 dating sundalo na nais nang bumaliktad sa naunang pahayag kaugnay ng katiwalian sa pamahalaan.

Ayon sa dating senador, nagpahayag umano ang mga ito na binayaran lang sila kaya sila nagsalita.

2:04
Politics

Pagpapagamot ni Usec Castro, sasagutin ni Cong. Leviste kapalit ng paglalabas ng medical certificate

March 24, 2026 10:00 AM
PST

Ipinahayag ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na willing itong bayaran ang pagpapagamot ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro kung maglalabas ng medical certificate ang doktor nito.

Ito ay matapos ipahayag ng palace official sa kaniyang affidavit na dumaranas siya ng sleepless nights at anxiety dahil sa civil libel charge na isinampa ng kongresista laban sa kaniya.

1:03
Politics

Hong Kong police pwede nang humingi ng phone passwords sa ilalim ng bagong National Security Law

March 24, 2026 10:01 AM
PST

Sa ilalim ng bagong amyenda sa national security law, puwede na ngayong humiling ang Hong Kong police ng phone o computer passwords mula sa mga pinaghihinalaang lumabag sa batas.

Mahaharap sa kaukulang parusa ang sinumang tatangging magbigay ng password.

1:04
Crime & Investigation

2 piloto, patay sa banggaan ng eroplano at fire truck sa Laguardia Airport sa New York

March 24, 2026 10:01 AM
PST

Kumpirmadong nasawi ang piloto at co-pilot nito matapos bumangga ang isang Air Canada Express plane sa isang firefighting truck sa runway 4 ng Laguardia Airport sa New York.