
Nanawagan ang ilang transport network vehicle service drivers sa pamahalaan na i-regulate ang transport network companies (TNC).
Ayon sa grupong Laban TNVS, umaaray ang mga driver sa umano’y mataas na komisyon na kinakaltas sa kanilang kita.

Nanindigan si US President Donald Trump na hindi na banta ang Iran sa seguridad ng Estados Unidos, kasunod ng aniya’y “productive talks” sa gitna ng umiinit na tensyon sa Middle East.
Gayunman, taliwas ito sa pahayag ng Iran na nagbabala ng posibleng pag-atake, na nagpapakita ng patuloy na tensyon sa pagitan ng dalawang panig.

Babawasan ng Department of Transportation ang airport at roll-on/roll-off terminal fees simula April 1.
Ayon sa DOTr, bahagi ito ng hakbang ng pamahalaan upang mabawasan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Paiigtingin ng Land Transportation Office ang random inspection at drug testing sa mga bus terminal.
Layunin nitong matiyak ang kaligtasan ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang probinsiya ngayong mahabang bakasyon.

Ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamamahagi ng P10,000 fuel subsidy sa mga bus operator bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ayon sa ilang operator, malaking tulong ang subsidy ngunit umaasa pa silang madaragdagan ito upang mas maibsan ang epekto ng mataas na gastos sa operasyon.