
Lumagda ang Australia at European Union sa isang defense cooperation deal sa Canberra.
Ayon sa mga lider ng dalawang panig, layon nitong palakasin ang seguridad at tugunan ang tinatawag na “hybrid threats,” na mahalaga rin sa pag-unlad ng ekonomiya.

Ramdam ng ilang pasahero ang ginhawa mula sa 50% bawas pamasahe sa LRT-2 at MRT-3.
Gayunman, sa kabila ng implementasyon nito kahapon, March 23, mas bumaba pa ang bilang ng mga mananakay kumpara sa mga nakaraang linggo.

Itinanggi ni House Justice Committee Chairperson at Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro na may external pressure sa kanilang hanay kaugnay ng impeachment process laban kay Vice President Sara Duterte.
Nakatakdang simulan bukas ang pagdinig ng House panel hinggil sa dalawang reklamong impeachment.

Hinihinalang isang grupo ng mga kalalakihan ang nasa likod ng panununog sa ilang ambulansya ng community emergency service na Hatzolah sa Golders Green, London.
Nanawagan ang Metropolitan Police sa publiko na magbigay ng impormasyon kaugnay sa mga suspek at sa insidente.

Inasistihan ng UNTV News and Rescue ang isang senior citizen na makauwi sa kanilang bahay mula sa ospital sa Butuan City.
Samantala, isang rider na sumalpok sa barrier sa Quezon City, tinulungan din ng team.