Back

UNTV News and Rescue

4:49
Politics

Affidavit ni Madriaga, isa sa ginamit na basehan upang maghain ng plunder at graft complaints vs VP

January 21, 2026 8:46 PM
PST

Bagong mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte ang inihain ngayong araw sa Office of the Ombudsman.

Pinag-ugatan ng mga reklamo ang isyu sa confidential funds ng bise, kasama ang alegasyon ni Ramil Madriaga na unang nagpakilalang umano’y bagman ni VP Duterte.

3:08
Politics

Sec. Remulla, dumipensa sa umano’y special treatment nang ihatid si Ex-Sen. Revilla sa Sandiganbayan

January 21, 2026 8:45 PM
PST

Walang special treatment.

Ito ang binigyang-diin ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla kasunod ng puna sa ipinakitang pagmamalasakit sa kaibigang si dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr.

Ayon sa kalihim, last act of friendship na ang paghahatid niya sa dating senador sa Sandiganbayan kahapon.

1:17
Politics

Atong Ang, posibleng tinutulungan ng mga dating security na pulis ayon sa DILG

January 21, 2026 8:44 PM
PST

Hindi inaalis ng Department of the Interior and Local Government ang posibilidad na may tumutulong sa pagtatago ni Charlie “Atong” Ang.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, may mga kaibigan umano si Ang na mga retiradong heneral, bukod pa sa ilang aktibong pulis na naging security aides nito.

0:58
Politics

Minority report sa flood control scandal, sa basurahan ang bagsak – Sen. Lacson

January 21, 2026 8:44 PM
PST

Sa basurahan ang bagsak ng minority report kaugnay ng umano’y flood control scandal.

Ito ang pahayag ni Sen. Panfilo Lacson, chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee, kasunod ng paglalabas ng dokumento ng ilang miyembro ng Minority Bloc.

4:05
Politics

Pagdalo ni Rep. Romualdez sa pagdinig ng Blue Ribbon, bukas pa rin – Sen. Hontiveros

January 21, 2026 8:44 PM
PST

Nananatiling bukas ang Senate Blue Ribbon Committee sa posibleng pagdalo ni House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez sa pagdinig ng komite.

Ito ang inihayag ni Sen. Risa Hontiveros sa pagpapatuloy ng imbestigasyon kaugnay ng mga umano’y maanomalyang flood control projects.

Hinamon din ng senadora ang contractor na si Curlee Discaya kung nais nitong mapasailalim sa Witness Protection Program.

Nagbigay rin siya ng reaksiyon sa pagtanggi ni dating Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan sa paratang na tumanggap umano ito ng kickback.